Monday, May 14, 2012

AKO BUJOY


ito'y sisimulan ko sa simpleng pagpapakilala
sa isang batang isinilang noong dekada 90.
sa ganap na ika-apat at labing-lima ng umaga,
araw ng linggo, ika-sampu ng desyembre year of the snake sabi nila.
taong 1989 nang unang marinig ang iyak n'ya,
kasabay ng 'di maipaliwanag na kaligayahan sa mga mata ng kanyang ina,
na may ngalang Ophelia Carlos.
at lubos na galak ng amang si Jimmy Balatbat,
kapwa nanggaling sa maliit na bayan ng La Paz, probinsya ng Tarlac.
doon,noong araw na iyon,
nagsimula ang mala-telenovela na siksik sa drama at komedya
na buhay ng cute daw na si Tristan Joy Carlos Balatbat
ng Balanoy La Paz, Tarlac.

lumaki at nagk'isip sa lupain ng Bicolandia
iba-ibang tao doo'y nakilala.
sa Balogo Elementary School natapos ang elementrya
kasabay niyon ay ang pagpasok sa sekondarya,
sa mataas na paaralan ng Pasacao Academy pangalan ng iskwela.
sa edad na 12 nagsimula ang "best" part sa buhay ng dalagita.
doon din nakilala iba't-ibang gawi, tipo ng mga k'iskwela.
na nagmula pa sa iba't-ibang dako ng bayang masaya!
doon ay unang kinilig, nangarap at nagpantasya.
na in love, lungkot, iyak at heart-broken pa.
ngunit never say die sa pangarap na makapagmarcha,
suot ang puting bistida't akay ng wagas na pag-ibig niya
sa parokya ng St. Rose of Lima.

natapos ng sekondarya taong 2006.
sabay luwas sa Tarlac para magtake ng risk.
panibagong mundo, gawi at trip,
kanyang sinuong head over heels!
ngayo'y nagpapakadalubhasa sa kursong Info.Tech.
kasabay sa pag-configure kung bakit Angry ang Bird.
matapos malampasan ang panibagong adjustments at struggles dahil sa panibagong world,
ngayo'y may matatawag na ring barkada sa bawat kanto ng Tarlac State Universiy o TSU her beloved!
nakasama ang mga Kapampangan, Ilocano, Panggalatok o maging mga Korean
iba-ibang tao, lahi, o fashion statement man yan
kanyang n'keri culture shock from south to norte.
kaya ngayon she's more than glad and proud
kasi she survived with love love love in her heart!

ito ako, ang aking kwento at paglalakbay, na lubos kong ikinagagalak na ibahagi sa inyo.
AKO si TRISTAN JOY CARLOS BALATBAT, 22. Certified Tarlaquenya with the heart of sweet, romantic and URAGON na BICOLANA!.

No comments:

Post a Comment