Thursday, October 20, 2011

IKSENA


Kikay, susyal, bratinela, outgoing, party-hopper and crazy-thrill-hunters...kadalasang impression, intuition at identification ng mga girls ages 18 and up. All these crazy lil' k'Negahan often "COMPOSE" us with the entire skinny and mini-skirts thing. As young adults, mas may guts daw tayo to express and react dipende sa nakikita at nararamdaman natin...Mas capable mag-explore,mas unpredictable! Maraming pwedeng ikabit sa personalidad ng bawat isa. Pwedeng maganda pero kadalasan pangit dipende sa tumitingin at syempre sa nakikita. Maraming factors ang dapat e-consider, 'daming matang dapat e-cater. Sa gulo ng mundo, at sa issue ng bawat tao, who would have thought na may sisibol na dekalibreng grupo ng mga babaeng paroo't parito... Aligaga sa kanya-kanyang kwento.

Kaya gaya ng isang inuman,naisip ng isa...niyaya si dalawa...napadaan si tatlo...maya-maya naging apat, lima, sampu hanggang isang dosena, Ay nabuo ang isang ASTIG, WAPAK, at HAVEY na grupong tinawag na SAB FASHIONISTA! Na ang punong-utak ay si Jhonna Muriel Bas,schoolmate ko sa Akademia, mulo sa Sta. Rosa,... bayan ng Pasacao, Probinsya ng Bicolandia!ola!VIVA!!!

Binubuo na iba't-ibang personalidad, gawi at timpla. Unti-unting pinagsama ng hangaring gawing mahalaga ang kagandahan 'di lang sa itsura kundi tagos hanggang sa isip, diwa at gawa ng mga kamay na butingtingera.

Masayang maging "barkada", lalo na kung may deeper purpose ka, Kaya I'm more than proud to be one of the FASHIONISTAS, flattered and honored na makasama sa FAB group ng mga iksenadora hindi lang sa pag-rampa kundi sa pagtulong sa iba na ipagsigawan ang GANDA through their angelic deeds at ARTWORKS na bidang-bida!!!=)


-bujoy




No comments:

Post a Comment